Lubos na
pasasalamat sa iyong pagdating
Sinimulan ang
taon na ika’y kapiling
Isang magandang
biyaya kang maituturing
Ikaw ang aming
pinapangarap na supling
Pagmamahal ni
Ama’y muling nasaksihan
Nang nasa
sinapupuna’y binyahe sa lupa, dagat at himpapawid ika’y ginabayan
Aming hiling,
Kanya’y binigyang pansin
Kaya ngayo’y
aming dalangin na mapalaki ka ayon sa Kanyang hinaing
Mahal, ika’y isa sa aming kalakasan
Dala mo sa amin ay kaligayahan
Ika’y pakaiingatan sapagkat ika’y kayamanan
At ika’y mamahalin namin ng walang hanggan
Baby Liam, 36 Days Old . Words by Mr and Mrs Layang . Styled by Ms. Vna Routel of Love and Metaphor. Photographed by Van Almeria of The Walking Eyes. Equipment used Nikon D610, Sigma Art 35mm 1.4
0 comments:
Post a Comment